Ang HOPE ay isang 80-minutong dramatikong pelikula na nagpapakita ng epikong kuwento ng pagtubos ng Diyos gaya ng inihayag sa Bibliya mula sa paglikha hanggang sa ipinangakong pagbabalik ni Kristo. Prodyus ng Mars Hill Productions sa pakikipagtulungan sa mga produsyer ng pelikula at distributor sa buong mundo, ang pandaigdigang epekto ng HOPE ay maaaring maunawaan sa dalawang paraan:
Pagsasalin at Adaptasyon
Ang mga misyonaryong organisasyon sa buong mundo ay nakipagsosyo sa Mars Hill upang makabuo ng maraming pagsasalin at kultural na adaptasyon ng HOPE. Ang mga pagsasaling ito ay kasalukuyang ginagamit ng mga ministeryo sa buong mundo sa iba't ibang setting at lugar mula sa malalayong nayon sa gubat hanggang sa mga kampus ng kolehiyo hanggang sa satellite television. Ang mga bagong proyekto ng pagsasalin at adaptasyon ay nagsisimula nang regular, ngunit may libu-libong pangkat ng mga tao sa mundo na makikinabang kung ang HOPE ay nasa kanilang wika. Layunin ng Mars Hill, sa pamamagitan ng ministeryo ng HOPE, na estratehikong makiisa sa pagtatapos ng Dakilang Komisyon, sa gayon ay tumutulong sa pagtupad ng hangarin ng Diyos na tipunin ang Kanyang mga anak mula sa bawat wika, tribo at bansa. Kung nais mong matuto nang higit pa tungkol sa katayuan ng mga natapos na proyekto, kasalukuyang proyekto, o kung paano magsimula ng bagong proyekto, mangyaring bisitahin ang HopePartnering.
Ang Internet
Ang ministeryo ng Internet ng HOPE ay isang mahusay na paraan upang ibahagi ang kuwento ng pagtutubos na pag-ibig ng Diyos sa mundo ngayon. Ang mga tao sa buong mundo ay natutuklasan kung paano magkaroon ng personal na relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ministeryong ito. Ang HOPE video stream at ang follow-up na makukuha sa site na ito ay ibinibigay ng libre ng Mars Hill Productions (produser ng HOPE) at Global Media Outreach (ang follow-up ministry para sa mga katanungan tungkol sa Pagkilala sa Diyos).